(Columbio, Sultan Kudarat/April 20,
2012) ---Natunton ng mga kasapi ng 27th Infantry Battalion ng Philippine Army
ang isang plantasyon ng marijuana sa Sitio Libon, Brgy. Maacas, Columbio,
Sultan Kudarat.
Ayon kay Lt. Colonel Alexis Noel
Bravo, commanding officer ng 27th IB Phil. Army natuton ang nasabing pantasyon
habang nagsasagawa ng pagpapatrolya ang mga ito laban sa kasapi ng New Peoples
Army (NPA) na nagtatago sa nasabing lugar.
Mahigit sa 30 mga puno ng marijuana
ang nakatanim sa nasabing mabundok na lugar na pinag-mamay-arian ng isang
mag-amang Gipay at Primi Dalumatan.
Agad namang ipinabatid ng militar sa
pulisya at mga miembro ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA ang may kaugnayan
sa mga marijuana na agad namang binunot ng mga ito.
Sa ngayon, patuloy naman ang
imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing insedenta habang pinaghahanap na sa
batas ang mga may ari ng nasabing mga puno ng marijuana.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento