(Carmen, North Cotabato/April 15, 2012) ---Apat
katao ang sugatan sa isang vehicular accident na nangyari sa highway ng Carmen,
North Cotabato, alas 5:30 kahapon ng hapon.
Ito matapos na araruhin ng 10-wheeler truck ang
pampasaherong multi-cab sa highway ng Carmen kungsaan naabutan ng DXVL News ang mga nagkalat na basag na
bote sa highway ng nasabing panel.
Kinilala
ni P/Insp. Jordine Maribojo, hepe ng Carmen Police ang mga sugatan na sina
Eddie Balnes Ferenal, 32, ng Poblacion, Carmen at driver ng Hino delivery truck
na may plakang WJD 432; Randy Pedtucasan Mamacan, 23, ng Pagagawan,
Maguindanao at driver ng Suzuki multi-cab na may plakang YGD 577; at mga
pasahero ng
multi-cab na sina Hazel Jane Hatamoza; at Rachel Canete.
Ayon
sa report, binabaybay ng truck na may kargang mga botelya ng San Miguel Brewery
ang highway ng Carmen nang bigla ito’ng nawalan ng kontrol at nagpagulong-gulong
sa kalsada hanggang sa sumalpok sa multi-cab.
Ayon
sa mga nakasaksi, nahila ng truck ang multi-cab sa layong 30 metro mula sa
pinangyarihan ng aksidente.
Isinugod
ang mga sugatan sa Kabacan Medical Specialist Center sa Kabacan, North Cotabato
para lapatan ng lunas. (Rhodz Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento