(Pikit, North Cotabato/April 17,
2012) ---Umabot umano ng 45 minuto o halos isang oras bago nakapagresponse sa
bus hold-up noong Linggo sa bayan ng Pikit, N Cotabato ang mga sundalo.
Ito, ayon sa isang imbestigador ng
Pikit PNP, ay sa kabila pa man na ang detachment ng Army ay halos 200
metro lang ang layo mula sa pinangyarihan ng krimen.
Sinabi ni SPO2 Teng Dimapalo na
nasa erya na ang mga pulis, bago pa nakarating ang mga elemento ng 7th IB.
Mariin naman ito'ng pinabulaanan ng Army.
Bago kasi nangyari ang insedente ay
nagsasagawa ng operation kapkap bakal sa Pikit Public Market ang tropa ng
sundalo habang nagsasagwa naman ng visibility patrol ang PNP sa Poblacion.
Sinabi ni Lt. Benjamin de
Peralta ng 7th IB na no'ng nakatanggap sila ng report patungkol sa holdup, agad
niya'ng ipinag-utos ang pagtugis sa mga kriminal.
Anim na mga sundalo ang agad
nakarating sa erya, ayon pa kay de Peralta.
Pero, pagdating ng mga otoridad sa
pinagyarihan ng insedente sa Sitio Mahad ng Brgy. Fort Pikit ng nasabing bayan
ay tumakas na ang mga salarin at nakita na lamang na nakabugta ang konduktor na
si Nasser Dima makaraang pagbabarilin ng mga hold-upper.
Sadya nga lang daw na di nila nahuli
ang mga salarin. (RB)
Ayon
naman kay P/Insp. Elias Dandan, hepe ng Pikit PNP, nagpanggap umanong pasahero
ang apat na mga suspetsado at nagdeklara ng hol-up pagdating sa nabanggit na lugar.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento