Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Kilos Protesta hinggil sa lumalalang “power crisis”, ikakasa sa Biyernes ng mga lokal na opisyal, power consumers at mga residente ng North Cotabato

(Kabacan, North Cotabato/April 25, 2012) ---Dismayado na ang ilang mga power consumers sa probinsiya ng North Cotabato, karamihan sa mga ito ay small at medium traders, hinggil sa pinakahuling pahayag ng Cotabato Electric Cooperative o Cotelco na tatagal pa ng isang buwan ang walong oras o higit pa na rotational blackout kada araw.


Ayon kay Cotelco spokesman Vincent Baguio, tumanggi umanong magbigay ng 8 megawatts na supply ng kuryente ang Therma Marine Incorporated o TMI na may power barge na makikita sa Compostella Valley para sa buwan ng Abril, ito dahil sa Mayo pa magsisimula ang nasabing kontrata.

Sinabi ni Baguio na sinisingil umano sila ng TMI ng abot sa P16.11 kada kilowatt kungsaan mas mataas P4.00 na taliwas naman sa naaprubahang presyo na itinakda ng Energy Regulatory Commission (ERC). 


Maliban dito, humihingi din ang nasabing kompanya sa Cotelco ng issues security bond na nagkakahalaga ng P4 million at advance payment na P14 million na may P18M sa kabuuan, na bagay namang inalmahan ng pamunuan ng Cotelco.

Nais kasi ng cotelco na madagdagan ng 8 megawatts ngayong buwan ang daily load dispatch ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP na 15.4 megawatts lamang na maintaining power para sa Cotelco ngayong buwan.

Ang hakbang ay ginawa ng Cotelco, ito para kung di man tuluyang masolusyunan ay maibsan ang napakahabang brown out sa mga service erya nito.

Para naman sa kooperatiba, ang demand na hinihingi ng TMI ay di makatarungan kung kaya’t hihingi ng tulong ang Cotelco sa Department of Energy para mamagitan sa nasabing usapin. 


Giit, naman ng tagapagsalita ng Cotelco na kung di ito masolusyunan ay mananatili ang mahabang brown-out kada araw hanggang sa buwan ng Mayo.

Sa service erya ng Cotelco sa Kabacan, nagsisimula ang power interruption sa araw mula alas 7:00 hanggang alas 12 ng tanghali at mawawala naman ang supply ng kuryente mula alas 6:00 ng gabi hanggang alas 9:00 ng gabi.

Kaugnay nito, ikakasa ng mga lokal na opisyal, power consumers at mga residente ng North Cotabato ang kilos protesta at pagluluksa sa Biyernes hinggil sa lumalalang krisis sa enerhiya sa bahaging ito ng Mindanao. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento