(Kabacan,
North Cotabato/April 25, 2012) ---Umaalma na ang ilang mga residente ng North
Cotabato lalong lalo na dito sa bayan ng Kabacan dahil sa mas mahabang
brown-out na nararanasan sa mga service erya ng cotelco.
Sa
panayam ng DXVL sa ilang mga negosyante at residente sa bayan ng Kabacan, ayon
kay ginang Marilou Salazar may.ari ng isang Fruitshake store sa bayan, nalulugi
daw sila dahil sa nasabing brown-out napilitan din daw umano silang bumili ng
sarili nilang generator na dagdag gasto pa.
Ayon
naman kay Reynaldo Intes nagbabantay sa isang internet café sa bayan
napipilitan daw umano silang magsara ng umaga dahil sa brown out, dahil dito
konti na lang daw umano ang kanilang kinikita at hindi na sila nakakabawi sa
kanilang mga bayarin.
Ayon
naman kay ginang Elizabeth Rachman isang resident eng bayan tinitiis na lang
daw di umano nila ng init sa tanghali dahil sa hindi na nila magamit ang
kanilang bentilador, dagdag gastos pa raw dahil bumibili na sila ng gaas at
kandila na gagamitin tuwing nagbabrown-out.
Residente,
negosyante o estudyante man lahat ay apektado ng rotational brown-out na ito.
Umaasa
naman ang mga ito na matutugunan agad at hindi na tatagal ang patuloy na
lumalalang power crisis sa bahaging ito ng Mindanao. (Scooper 001 Aylmer
Bornea)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento