(Kabacan,
North Cotabato/April 23, 2012) ---Kulungan ang bagsak ng isang drug pusher makaraang
naaktuhang nagbebenta ng illegal na droga sa Tomas Claudio St., Pobalcion,
Kabacan nitong Biyernes.
Kinilala
ng Kabacan PNP ang suspetsado na si Albert Guiaman Damdamin, 35-anyos, may
asawa at residente ng brgy. Kayaga, Kabacan, Cotabato.
Narekober
mula kay Damdamin ang tatlong piraso ng transparent plastic sachet na
naglalaman ng white crystalline substance na pinaniniwalaaang shabu at isang
P500.00 piso bill.
Sa
ngayon nahaharap ang suspetsado sa kasong Republic Act 9165 o mas kilala sa
tawag na dangerous drugs act of 2002 kungsaan nasa kustodiya ng Kabacan PNP
pansamantalang nananatili ang suspek.
Samantala
sa iba pang mga balita, ninakawan naman ang isang Ernesto Evangelista,
49-anyos, may asawa at residente ng Poblacion, Valencia ng abot sa P6,000 ala
1:30 ng madaling araw nitong Sabado.
Batay
sa report ng Kabacan PNP, mahimbing umanong natutulog si Evangelista sa
minamaneho nitong jeep ng pagkagising ay nawala na ang bag ng kanyang misis na
naglalaman ng nabanggit na halaga ng pera.
Maliban
sa cash, natangay din ang mga mahahalaga nitong dokumento kagaya ng Philhealth
id, driver’s license at iba pa. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento