(Makilala,
North Cotabato/April 25, 2012) ---Isang bahay ang natupok ng apoy sa Barangay
Saguing, Makilala, North Cotabato dakong alas 7:30 kagabi.
Ang
nasabing tirahan ay pag-mamay-ari ng isang Maria Teresa Cerwelos.
Ayon
kay rescue volunteer Kidapawan City Emergency Response
Unit (KidCERU) Jefferson Villareal Revilla, nagsimula umano ang apoy sa kwarto
ni Cerwelos.
Sa inisyal na pagsisiyasat ng
Makilala PNP lumalabas na ang naiwanang kandila sa altar ang dahilan ng sunog.
Unang nakarating sa pinangyarihan ng
insedente ang mga rescue volunteers mula sa KidCeru at ang Philippine Red Cross
North Cotabato chapter para magsagawa ng rescue.
Wala namang may napaulat na nasaktan
sa nasabing sunog.
Hindi pa mabatid kung magkano ang
kabuuang halaga ng danyos sa nasabing sunog.
Ang sunog na nangyari sa Makilala ay
ikalawang kaso sa North Cotabato.
Ang una ay dito sa Kabacan makaraang
nilamon ng apoy ang Pin-pin enterprises at iba pang mga pamamahay dakong alas
7:40 nitong Lunes.
Naganap ang insedente kungsaan
nakakranas ng walong oras na rotational brown-out ang North Cotabato.
Sinabi naman ni Kabacan Senior Fire
Marshall Ibrahim Guiamalon na possible ngayong araw ilalabas nila ang initial
na resulta ng kanilang imbestigasyon hinggil sa totoong dahilan ng sunog sa
Pin-pin establishment. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento