Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Cotabato Gov. Lala Mendoza, inatasan na ang Bureau of fire na imbestigahan ang nangyaring sunog sa IPHO

(Kidapawan City/ July 21, 2014) ---Inatasan na ngayon ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza ang Bureau of Fire Protection na imbestigahan ang pinagmulan ng sunog sa storage room ng Integrated Health Office (IPHO) na nasa Capitol Compound, Kidapawan City nitong umaga ng Sabado.

Sa ngayon, inaalam pa ng mga imbestigador ng pamatay sunog kung magkano ang iniwang pinsala ng naturang sunog.

Mabilis namang naapula ng mga bumbero ang nasabing sunog kaya di na ito kumalat pa sa ibang mga opisina.


Sinabi naman ni Gov. Mendoza na nagsagawa na ng emergency procurement ang provincial government para di mabalam ang operasyon at programang pangkalusugan ng Department of Health (DOH), Integrated Provincial Health Office (IPHO) at ng Rural Health Units (RHU’s) habang hinihintay naman ang kumpletong imbestigasyon ng naturang sunog. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento