(Kabacan, North Cotabato/ July 25, 2014) ---Naghain
kahapon sa Sangguniang Bayan ng Kabacan ng petisyon ang Pangulo ng Kabacan
Unity Lines Tricycle Operators and Drivers Association o KULTODA ng dagdag
singil sa pamasahe.
Batay sa nasabing kalatas na pirmado ng
Presidente ng KULTODA na si Jeffrey Pedtamanan himihiling ang mga ito sa mga
kasapi ng konseho sa Kabacan ng dagdag na P1.00 na singil sa pamasahe.
Ang dagdag na singil na P1.00 ay sa lahat ng
Puroks sa Poblacion ng Kabacan kung ma-amiyendahan ang Municipal Ordinace No.
2008-008.
Ipinaliwanag din ni Pedtamanan ang mga
dahilan ng dagdag singil nila kabilang na dito ang: kasalukuyang mataas
standard of living na di na makaya sa kinikita ng mga draybers, mataas na
presyo ng gasoline at krudo, mataas din na presyo ng mga spare parts ng motor
at ang ilang mga karatig na munisipyo ay
nagtaas na rin ng pamasahe.
Subalit ang naturang petisyon ay hindi pa
naisalang sa Sangguniang Bayan kahapon dahil sa maraming lumiban sa session at
hindi rin quorum ang sangguniang Bayan members kahapon.
Pansamantalang Presiding Officer kahapon si
Hon. Councilor George Manuel habang OIC-Mayor kasi si Vice Myra Dulay Bade
habang apat naman ang absent na kasapi ng konseho, na ayon sa report ay nasa
Official Business. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento