Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

38-anyos na magsasaka, nahulihan ng baril at shabu sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ July 22, 2014) ---Kulungan ang bagsak ng isang 38-anyos na magsasaka makaraang mahulihan ng baril at shabu sa isinagawang operation sita at kap-kap bakal sa bahagi ng Brgy. Osias, Kabacan, North Cotabato nitong linggo ng gabi.

Kinilala ni Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang suspek na si Bazer Ulangkaya Afdal, may asawa at residente ng Paidu Pulangi, bayan ng Pikit, North Cotabato.

Nakuha mula sa posisyon ng suspek ang isang kalibre 9mm na may limang mga bala, siyam na piraso ng cartridge ng 9mm, 15 piraso ng cartridges ng 5.56 maliban pa sa malaking plastic heat sealed sachet na naglalaman ng shabu.

Bukod dito, napag-alaman na ang minamanehong motorsiklo ng suspek ay open pipe, walang license plate at mga kwestiyunableng dokumento kaya pina-impound ito.


Sa ngayon kasong paglabag sa illegal possession of firearms at paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kakaharapin ng suspek na ngayon ay kalaboso sa Kabacan PNP lock-up cell. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento