Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

2 karnaper, bulagta sa shootout sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ July 22, 2014) ---Bumulagta ang dalawang mga pinaniniwalaang mga carnapper makaraang mapatay ng mga otoridad sa nangyaring barilan sa gitna ng sakahan sa bahagi ng Purok 6, Brgy. Osias, Kabacan, North Cotabato alas 8:50 kahapon ng umaga.

Sa report ni Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP na bigong makapagsagawa ng pa-ngangarnap ang dalawang suspek kaya kanilang tinutukan ng baril ang kanilang nabiktima sa bahagi ng brgy. Dagupan.

Kaagad na inalerto ni P/Supt. Maribojo ang kanyang mga tauhan matapos makatanggap ng impormasyon kaugnay sa modus operandi ng dalawang di-kilalang lalaki.

Inilatag ng pulisya ang ilang checkpoint na posib­leng pagdaanan ng dalawang karnaper hanggang sa maispatan ang mga suspek sa bahagi ng  Purok 6 sa nasabing barangay.

Gayon pa man, imbes na sumuko ay namaril pa ang mga ito kaya gumanti rin ng putok ang mga pulis hanggang sa mapatay ang dalawa.

Napatay noon din ang dalawang mga suspek na residente ng Pagagawan, Maguindanao at agad namang kinuha ng kanilang mga kamag-anak ang bangkay ng dalawang mga suspek.

Narekober mula sa pinangyarihan ng insidente ang isang kalibre .45 na pistol, 2 piraso ng magazine, anim na bala ng kalibre .45 at ilang mga empty shell, hair wig at isang motorsiklo na ginamit ng mga suspek sa pagtakas. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento