Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

2 estudyante kinidnap, pinatay!

(South cotabato/ July 23, 2014) ---Karumal-dumal na kamatayan ang sinapit ng dalawang estudyante makaraang kidnapin ay pinatay ng dating driver ng isa sa biktima sa Barangay Cabuling, bayan ng Tantangan, South Cotabato, ayon sa ulat kahapon.

Kinilala ang mga biktima na sina Rey “Kabal” Pacifico, 16, estudyante ng Tantangan Trade School at Robert Mallet, 14, Filipino-British, estudyante ng Notre Dame Siena School of Marbel na kapwa residente sa nabanggit na bayan.


Ayon kay Chairman Rodillo Palomo, natagpuan ang bangkay ng mga biktima sa malalim na kanal sa boundary ng Barangay Pangasinan at Barangay Laguilayan sa bayan ng Isulan, Sultan Kudarat.

Halos hindi na makilala ang mga biktima dahil sa basag ang bao ng ulo at basag din ang bibig.

Huling namataang buhay ang dalawa noong Sabado ng hapon matapos paunlakan ang imbitasyon  ng isang Jay “Pluto” Sarayno para maglaro ng basketball sa Barangay New Pangasinan.

Maging ang ina ni Mallet ay hiningan ng P50,000 ni Pluto para tubusin ang kanyang anak na kinidnap ng grupo ng kala­lakihan noong Linggo.

Agad umanong nag-withdraw ng pera ang ina ni Mallet at sumama kay Pluto upang tubusin ang anak dala ang ransom money.

Ngunit, kinabukasan natagpuan din ang ina sa gilid ng kanal sa boundary ng Barangay Lagandang at Bagumbayan na may sugat sa ulo. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento