Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pinggang Pinoy, ipapakilala ng CHEFS-USM sa gagawing selebrasyon ng 40th Nutrition Month Culmination

(USM, Kabacan, North Cotabato/ July 23, 2014) ---Nakatutok ngayon ang College of Human Ecology and Food Sciences (CHEFS-USM) sa programang “Pinggang Pinoy”, na bahagi ng 40th Nutrition Month culmination na gagawin sa Kabacan Municipal Gymanasium sa Hulyo a-25.

Ayon kay CHEFS Dean Dr. Urduja Nacar na kabilang sa mga aktibidad ng Pamantasan kaugnay sa Nutrition Month ngayong taon ay ang Nutrition Fun Run/walk, “Blue Plate” for-a-cause, Nutri Quiz Bowl at maraming iba pa.

Magiging panauhing tagapagsalita sa nasabing programa si Nutrition Coordinator for National health and nutrition for Non-Yolanda Areas, ACF International Dr. Oscar Fudalan, Jr.

Samantala bahagi ng programa ang “Pinggang Pinoy” kungsaan, dito masasagot kung gaaanu karami ang kakainin ng isang tao sa isang kainan upang maging malusog.

Nabatid na ang “Pinggang Pinoy” ay isang visual tool na gagabay sa tamang pagkonsumo ng isang Pinoy sa pagkain.

Katuwang ng programang ito ang Department of Health, National Nutrition Council, University of Southern Mindanao at College of Human Ecology and food Sciences.

Nakasentro ang selebrasyon ngayong taon sa temang “Kalamidad paghandaan: Gutom at Malnutrisyon Agapan!, ayon pa kay Jigzcel Divine Basoy, RND, chairperson ng 40th Nutrition Month Celebration ng CHEFS-USM. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento