Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Ilang mga sakahan sa Kabacan, inatake ng Rice Tungo Virus at Bacterial Leaf Blight

(Kabacan, North Cotabato/ July 23, 2014) ---Patuloy ngayon ang ginagawang monitoring ng Kabacan Municipal Agriculture Office sa ilang mga sakahan sa bayan na inatake ng Rice Tungo Virus at Bacterial Leaf Blight.

Ayon kay Agricultural Technologist/ Report Officer Tessie Nidoy na bagama’t kalat kalat ang naturang sakit sa palayan kanya namang pinayuhan ang mga magsasaka na agad na puksain ang naturang sakit na umaatake ngayon sa palayan.

Kabilang sa mga barangay an naapektuhan ng Rice Tungo Virus (RTV) ay ang Upper Paatan, Salapungan at Brgy. Osias.

Samantala patuloy naman ang monitoring nila sa mga lugar na naapektuhan ng Bacterial Leaf Blight sa mga bargy ng Aringay at Malanduage.

May mga ulat din ng RTV sa Katidtuan pero patuloy pa itong kinukumpirma ng MAO.

Sinabi ni Nidoy na malaki ang bawas sa ani ng mga magsasaka kung may kahalintulad na sakit ang mga palayan.

Kabilang sa mga factor kung bakit bolnerable sa sakit na ito ang palayan ay ang panahon (Weather Condition), klase ng binhi at ang panahon ng pagtatanim, dagdag pa ni Report Officer Nidoy.

Aniya, bagama’t sapat ang supply ng bigas sa Kabacan di pa rin nila maitatanggi na tumataas pa rin ang presyo ng bigas sa pamilihang bayan.

Isa sa mga dahilan nito ay ang rice hoarding kaya mataas ang presyo ng bigas sa Merkado, pero itinanggi naman ni Nidoy na may ganitong aktibidad ang mga negosyante ng palay sa Kabacan.

Samantala, abot sa 6 na tonelada ng palay ang naaani ng bayan ng Kabacan nitong buwan ng Abril, Mayo 4.9 na tonelada at nitong Hunyo ay 4.5 tonelada.


Hindi naman bumababa sa 4 na tonelada ang naaaning palay sa loob ng ikalawang kwarto ng taon kaya maituturing pa rin na palabigasan ng probinsiya ng North Cotabato ang Kabacan. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento