(Tacurong City/ July 22, 2014) ---Maagang
sinalubong ni kamatayan ang isang taong gulang na paslit makaraang mahagip ng
humaharurot na sasakyan ang sinasakyan niyang motorsiklo kasama ang kanyang mga
magulang sa Tacurong city, Sultan Kudarat kahapon.
Kinilala ng Tacurong City PNP ang nasawi na
si Abdulrakman Salaban, habang sugatan din ang mga magulang nitong sina Brando
Salaban, 29-anyos at Baidido Salaban, 28-anyos pawang mga taga-Datu Paglas,
Maguindanao.
Sa inisyal na pagsisiyasat ng mga otoridad tinatahak
ng mag-anak ang Barangay San Emmanuel, Tacurong city nang mahagip ng isang
Nissan Safari na may plakang TFN 482 at minamaneho ni Arnold Fernandez,
municipal administrator ng Buluan, Maguindanao.
Agad na isinugod ni Fernandez ang mga
biktima sa pagamutan ngunit nasawi ang batang Salaban habang ginagamot. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento