(Kabacan, North Cotabato/ July 22, 2014) ---Tuluyan
nang na-idismiss ng Civil Service Commission ang kasong isinampa ni dating USM
Pres. Dr. Jess Derije laban sa ilang mga empleyado ng University of Southern
Mindanao.
Batay sa 31-pahinang desisyon na inilabas ng
komisyon na pirmado ni CSC Director IV Grace Belgado-Saqueton na ibinasura ang
naturang kaso laban sa 63 katao na nasampahan nito dahil sa kawalan ng
ebedensiya.
Ang naturang desisyon ay inilabas nitong
Hulyo a-5 ng kasalukuyang taon.
Matatandaang sinampahan ni Dr. Derije ang 63
katao at karamihan ay mga manggagawa ng USM ng kasong: grave misconduct,
disloyalty to the Republic of the Philippines, refusal to perform Official
duties at iba pa makaraang magsagawa ng kilos protesta ang mga ito noong Enero
ng nakaraang taon na naging mitsa sa pagkakatanggal sa pwesto ng dating
Pangulo. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento