(Kabacan, North Cotabato/ July 29, 2015) ---Nagsagawa
ng Disaster Preparedness and Awareness Seminar ang Kabacan PNP sa mga
estudyante ng Kabacan National High School na kamakalawa.
Sa panayam ng DXVL News Team kay PO2 Amie
Lou Bacanto ng Kabacan PNP Police Community Relation, ang nasabing aktibidad ay
pinangunahan ng PI Maxim Peralta ang head ng Operation ng Kabacan PNP.
Samantala, inihayag din ng opisyal ginawang
clean up drive sa isang kweba sa Brgy.
Bannawag ng bayan ng Kabacan na
pinangalanang Dagyaw Limpyo Sapa kamakailan.
Nabatid rin mula kay PO2 Bacanto na ang
nasabing aktibidad ay pinangunahan ng PCR sa pamumuno ni Kabacan PNP Deputy
Chief PI Arvin Jhon Kambang.
Katuwang nila sa nasabing aktibidad ang BPAT
ng Brgy. Bannawag at ang Tribung Mindanao Mountaineering Club (Trimmoc) ng USM.
Inilahad rin ng opisyal na ang mga nabanggit
na mga aktibidad ay bahagi ng kanilang pakikiisa sa National Disaster
Consciousness Month na may temang “Pamilya at Pamayanang Handa, Katuwang sa
Pag-unlad ng Bansa” at sa ika-20th Police Community Relations Month ngayong
buwan ng Hulyo na may temang “Matibay na Ugnayan ng Mamamayan at Pulisya,
Simbolo ng Kapayapaan at Kaunlaran ng Sambayanan. Mark Anthony Pispis
0 comments:
Mag-post ng isang Komento