Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Cotabato 2nd District Representative Nancy Catamco handang harapin ang kasong isasampa sa kanya ng KARAPATAN-SMR

(North Cotabato/ July 28, 2015) ---Handang harapin ni Cotabato 2nd District Representative Nancy Catamco ang kasong isasampa laban sa kanya ng Karapatan- Southern Mindanao Region.

Ito ang naging reaksiyon ng mambabatas matapos lumabas ang ulat na kakasuhan umano ito ng nasabing grupo kaugnay ng marahas na pangyayari noong nakaraang linggo sa compound ng United Church of Christ in the Philippines o UCCP sa Davao City.


Sinabi sa DXVL News ni Congresswoman Catamco na handa nitong sagutin ang nasabing kaso sapagkat may mga nakalatag naman itong ebedensiya.

Ayon sa Karapatan-SMR kabilang sa mga isasampang kaso laban sa congresswoman ay ang serious physical injury, physical assault, destruction of property, trespassing, malicious mischief, coercion, grave threats, at violation of domicile.

Nagbigay rin ng update si Catamco na hanggang sa ngayon ay nananatili ang mga lumad sa UCCP Haran at hindi umano nabibigyan ng magandang pag aasikaso. Hindi umano nasusunod sa UCCP Haran ang standard bilang evacuation center na naka base sa guidelines mula sa joint secular na galing sa DILG, DSWD at depEd.

Samantala, inihayag rin ni Catamco na inaasikaso niya sa kasalukuyan ang mga papeles sa imbestigasyon hinggil umano sa report na ginagamit ang mga lumad upang makakuha ng pera sa ibang bansa.

Maliban kay Catamco, kakasuhan din ng KARAPATAN-SMR sina Superintendent Lao ng Davao City Police Office, at Major Jake Obligado ng Eastern Mindanao Command ng Armed Forces of the Philippines.

Sila raw ang nagbigay ng order sa mga pulis at mga miyembro ng Alamara na isang grupo ng mga armadong lumad para pasukin at sapilitang palabasin sa Haran compound ang may 700 mga katutubo.

Una nang napatunayan ng Karapatan na walang court order ang pagpasok ng higit 100 mga pulis sa Haran.

Nakiusap na raw ang mga organisador sa mga pulis na ‘wag pumasok sa compound ng Simbahan pero mapilit raw sila, sinira ang gate ng evacuation camp, at hinaras ang mga lumad na nasa loob ng UCCP-Haran compound. 

Dahil sa pangyayari, 17 mga lumad at support group ang nasugatan. Rhoderick Beñez & Mark Anthony Pispis


0 comments:

Mag-post ng isang Komento