Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mabahong amoy ng babuyan sa isang residential area sa Poblacion, Kabacan; inireklamo!

(Kabacan, North Cotabato/ July 29, 2015) ---Inireklamo ng ilang residente na kapitbahay ang umano’y mabahong babuyan sa isang residential area na nasa Ma. Clara St., Poblacion, Kabacan, Cotabato.

Ayon sa reklamante na ayaw pagpakilala, ipinaabot nito sa DXVL ang nasabing reklamo sapagkat nakaka-perwisyo na umano sa kanila na mga kapitbahay ang mabahong amoy.

Aniya, walang namang problema kung mag-alaga ng hayop sa bastat hindi lamang ito makaperwisyo sa ibang mga kapitbahay, dagdag pa sa text na ipinaabot ng impormante.

Dahil dito, agad na tinungo kahapon ng DXVL News team ang Moya’s residence at ayon kay Ginang Lolit Moya, hindi umano siya nag-stock ng alagang baboy.

Aminado ang Ginang na may babuyan siya pero ilang araw lamag ito mananatili sa kanyang kulungan dahil naka-schedule naman daw ito na letchunan.

Hindi lamang siya ang may babuyan sa kanilang lugar, giit pa ng Ginang.


Nagpahayag din ito ng paliwanag si Ginang Lolit Moya sa panayam ng DXVL News. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento