(Kabacan, North Cotabato/ July 28, 2015) ---Sinalubong
ng ilang mga militante at progresibong grupo ng mga mag-aaral ang huling State
of the Nation Address o SONA ni Pangulong Aquino kahapon.
Nagsagawa ng pagkilos ang Liga ng Kabataang
Moro, Anak Bayan, Lesbian Gay bi-sexual transgender at STAND USM sa harap ng
Pamantasan ng Katimugang Mindanao upang
ipanawagan ang ilang mga pambansang isyu na para sa kanila ay hindi natugunan
ng administrasyong Aquino.
Bit-bit ng mga ito ang ilang mga plaka at
watawat na sumasagisang ng kanilang grupo at isinisigaw ang mababang sahod,
hustisya para sa SAF 44, Karapatan sa Edukasyon, No to Budget Cut, Justice for
Human Rights Violation, dagdag na budget para sa edukasyon at ang Moro land na
hindi dapat ibebenta.
Naka-alerto naman ang pulisya maging ang TMU
upang mapaayos ang daloy ng trapiko habang isinagawa nila kahapon ang naturang
aktibidad.
Maliban sa Kabacan ay mga isinagawa ring
kahatintulad na aktibidad sa Kidapawan City.
Samantala, hati naman ang reaksiyon ng ilang
mga taga lalawigan ng North Cotabato kaugnay sa naging SONA ng Pangulo.
Ang ilan sa mga taga-Kabacan ay magkaiba ang
pananaw pero karamihan pa rin sa kanilang ay nasiyahan at kontento sa
pagsisikap at serbisyo ni PNoy para sa Pilipino.
Sa kanyang SONA, inilahad ng Pangulo ang mga
mahahalagang programa at aksyon ng pamahalaan tungo sa pagbabago, pagpapaunlad
at pagpapatatag ng demokratikong bansa
Ang SONA kahapon ay ang ika-77 SONA simula
noong taong 1935 at ika-29 nang maipanumbalik ang demokratikong pamamahala
noong 1987. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento