Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

11 anyos na bata, patay sa pamamaril sa Matalam, Cotabato

By: Mark Anthony Pispis

(Matalam, North Cotabato/ February 26, 2015) ---Maagang sinalubong ni kamatayan ang isang 11-anyos na bata makaraang paulanan ng bala ang pamilya nito at ang katiwala sa may bahagi ng Sitio Israel, Barangay New Abra, Matalam, North Cotabato pasado alas 7:00 ng umaga kahapon.

Sa impormasyong ipinarating sa DXVL News ni SPO1 Froilan Gravidez ng Matalam PNP, kinilala nito ang biktima na si Jeseryl Diosma, nasa ikatlong baitang ng New Tigbawan Elementary School sa nasabing lugar.


Sinasabing sakay ng kalabaw ang onse anyos na biktima habang naglalakad ang kanyang ama na si Jessie at inang si Jocelyn kasama rin ang pitong laborer na patungo sana sa kanilang rubber plantation upang maglinis doon ng paulanan ng bala ang mga ito.

Tinamaan sa leeg ang bata na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Batay sa imbestigasyon ng PNP, matataas na kalibre ng baril ang ginamit ng mga suspek sa pamamaril.

Napag-alaman pa na nakaligtas naman ang kanyang mga magulang at kanilang mga laborer.

Mabilis na tumalilis ang mga suspek sa bahagi ng Marupayag, Barangay New Abra sa nasabing bayan ang mga suspek.


Malaki ang paniniwala ng Matalam PNP na awayan sa lupa ang dahilan ng nasabing insidente na patuloy pang iniimbestigahan. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento