Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

80 mga OFW, sumailalim sa OFW Orientation sa Kabacan

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ February 25, 2015) ---Matagumpay na idinaos ang Municipal OFW Oreintation and Consultaive Assembly sa Kabacan Municipal Gym alas 9:00 kahapon ng umaga.

Ayon kay Kabacan Municipal OFW Desk Officer Yvonne Saliling, 80 mga Balik-bayan at OFW-active members ang dumalo sa nasabing aktibidad. 

Malaking tulong umano ang nabigay nitong kaalaman hinggil sa mga programa at mga benepisyong pwedeng makuha ng isang OFW na miyembro ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Kasali sa mga nasabing benepisyo ay ang Social Benefits, Educaton and Training Benefits/Assistance, Workers Welfare Assistance Program, at Repatration Program.

Nanguna sa oreitation si OWWA Regional Office Family Welfare Officer Jhon Rod Valenzuela.

Kasama din sa mga dumalo sa nasabing aktibidad sina SB Committee Chair on Social Welfare Rhosman Mamaluba at Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr.


0 comments:

Mag-post ng isang Komento