Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

4 na bilanggo na pumuga, tinutugis

(North Cotabato/ February 26, 2015) ---Apat na mga preso ang pumuga sa mula sa Bureau of Jail and Management and Penology (BJMP) sa Malapatan sa lalawigan ng Sarangani alas 7:30 kagabi.

Kinilala ni C/Insp. Robert Gabayeron, hepe ng Malapatan Police station ang mga pumuga na sina Ronald Upos, 23, may kasong pagnanakaw; Roberto Carapayko, 21; Gerald Lipasan may kasong carnapping at Romnick Poster na nahaharap sa kasong murder. Ang mga ito ay pawang mga residente ng Malungon, Sarangani.

Napag-alaman na sa nabanggit na oras kagabi nang makarinig sila ng dalawang putok at kasunod nito ay ang pagkakagulo na ng mga detainees at guwardiya sa Malapatan jail.

Bitbit umano ng mga tinaguriang trustee na si Ronald Opos ang susi kasama si Robert Carapayco nang bigla na lamang buksan ang selda kaya't naglabasan ang anim na mga inmates.

Inagaw din ni Carapayco ang shotgun na humantong sa barilan.

Hindi umabot sa pagamutan ang detainee na si Mod Lakim na residente ng Prk. Islam, Suyan ng bayan ng Malapatan na may kasong robbery with homicide matapos inagaw ang shotgun ng jailguard na binaril at tinamaan sa dibdib at ulo.

Bantay sarado naman ng pulisya ang tatlong detainees na sina Jerry Bellota, 31, may kasong robberry; Jerald Caballes, 19, may kasong carnapping at si Metchel Macaso, 48, pawang mga residente ng Glan at Malungon, Sarangani province.

Kaugnay nito patuloy ngayon ang hot pursuit operation ng Malapatan Municipal Police Station sa apat sa walong preso na tumakas mula sa Bureau of Jail and Management and Penology (BJMP) sa Malapatan, Sarangani. DXVL News


0 comments:

Mag-post ng isang Komento