(Kabacan, Cotabatao/ February 24, 2015) ---
Ipinauubaya ni Cotabato Schools Division Supt. Omar Obas sa Parents Teachers
Association ang reklamo hinggil sa maraming bayarin sa Kabacan National High School.
Ito ang reaksyon ni Obas sa reklamo sa
Kabacan National High School na marami umanong sinisingil maliban sa weekly
dues at iba pang bayarin, matapos na mainterbyu ng DXVL News.
Aniya, nakapag usap na sila ng punong guro
ng KNHS at ang bayarin umano ay napagkasunduan naman ng homeroom Parents Teachers
Association.
Bilang partner umano ng PTA ay pinapaubaya
nila sa paaralan at sa PTA ang napagkasunduan at sila na mismo ang umayos ng
mga problema sa kanilang level kung mayroon mang mga reklamo.
Ang Department of Education umano ay di
sapilitang naniningil kundi sa pamamagitan lamang ng mga Parents Teachers
Association. Christine Limos
0 comments:
Mag-post ng isang Komento