Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mahigit 30 mga kabahayan, sinunog ng BIFF sa Brgy. Kabasalan, Pikit, Cotabato

(Pikit, North Cotabato/ February 24, 2015) ---Nasa 38 mga kabahayan ang sinunog ng mga pangkat ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF ng makubkob nila ang ilang bahagi ng Brgy. Kabasalan sa bayan ng Pikit, North Cotabato.


Naaktuhan mismo ng DXVL News ang isang bahay na naabu na matapos na sunugin ng mga armadong grupo.

Ang nasunog na bahay ay malapit lamang sa Kabasalan Elementary School.

Ilang araw na ring walang pasok sa nasabing paaralan dahil sa nasabing kaguluhan.

Napag-alaman pa na mga residential houses karamihan ay gawa sa light materials at dalawa dito ay tindahan ang sinunog sa Brgy. Kabasalan, Lima naman sa Barongis at 14 sa Sitio Butilan ng Brgy. Kabasalan, ito ayon sa report ni MDRRMC Head Tahira Kalantongan.

Samantala, dalawa naman sa mga bangkay ng BIFF ang inilibing kahapon na tinungo ng ilang military, CCCH, Media at iba pa.

Batay sa nakalap na report at sa eksklusibong panayam ng DXVL News sa isa sa mga sundalo ng MILF sinabi nitong abot sa mahigit sa 20 mga BIFF ang nalagas ng magsagawa ng opensiba ang militar noong Biyernes.

Sumiklab ang nasabing kaguluhan matapos na gustong sakupin ni Kagia Karialan ang teritoryo ng MILF.

Nakiusap pa umano ang MILF na magdiyalogo muna sila, pero ayaw ng BIFF ng pag-uusap sa halip ang gusto nila ay makipagbakbakan.

Kaya inalerto ni Kumander Jack Abas ang kanyang tauhan para labanan ang BIFF kaya nagresulta sa putukan sa magkabilang panig at pagkakalikas ng libu-lubong residente sa lugar.


Kaugnay nito, matapos ang clearing operation sa lugar kahapon, maaari ng makabalik ang mga bakwit sa kanilang lugar, pagtitiyak naman ng mga sundalo. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento