(North Cotabato/ February 25, 2015)
---Ligtas ng nakabalik sa kani kanilang mga bahay ang mga bakwit na lumikas
sanhi ng kaguluhan matapos na magsagawa ng clearing operation ang 7th Infantry
Battalion at 602nd Brigade kamakalawa sa Baranggay Kabasalan, Pikit,
Cotabato.
Sa panayam ng DXVL News kay 602nd
Brigade Commander Col. Noel Clement inihayag nitong wala ng tropa ng Bangsamoro
Islamic Freedom Fighters o BIFF sa area.
Naki usap din si Clement sa mga residente
na kung sakaling may makikita pang mga eksplosibo sa lugar agad na ipagbigay
alam sa mga otoridad.
Nilinaw din ng opisyal na hindi IED
ang natagpuan sa area habang pauwi na ang mga kagawd ng Media, CCCH, LGU at LMT
makaraang pumasok sa Brgy. Kabasalan, Pikit kundi mga piyesa ng computer na naiwan sa
gilid ng kalsada.
Samantala, nagbigay din ng pahayag si
Clement sa banta umano ng BIFF na pag atake sa Kidapawan City.
Aniya nakipag ugnayan na sila sa PNP
counterpart upang masiguro na hindi maisasakatuparan ang banta ng pag atake.
Patuloy din umano ang kanilang
panawagan sa mga mamamayan na maging vigilante sa mga banta ng terorismo.
Nanawagan din si Col.
Clement sa mga mamamayan na huwag mag panic lalo na kung may mga natatanggap
umano na mga di kompermadong report ay huwag ng isend sa kung kani kanino lalo
na kung walang sapat na pinagbabasihan upang di na magkaroon ng dagdag na agam
agam ang mga taong bayan at makipagtulungan na lamang. Rhoderick Beñez and
0 comments:
Mag-post ng isang Komento