(Pikit, Cotabato/ February 24, 2015) ---Narekober
ng Bangsamoro Islamic Armed Forces o BIAF ang ilang mga armas ng Bangsamoro
Islamic Freedom Fighters o BIFF sa isinagawang clearing operation ng mga ito
kamakalawa.
Ito ayon kay Local Monitoring Team Jabib
Guiabar, na siya ring tagapagsalita ng MILF North Cotabato.
Aniya, nagpaabot na ng sulat ang kanyang
pamunuan sa Central Committee ng MILF upang i-turn-over sa militar ang mga
narekober na armas sa nangyaring girian sa ilang brgy. sa bayan ng Pikit.
Kahapon ay tinungo ng Militar sa pangunguna
ni 602nd Brigade Commanding Officer Col. Noel Clement kasama ang Coordinating
Committee on the Cessation of Hostilities (CCCH), Local Monitoring Team, LGU
Pikit sa pangunguna ni OIC Mayor Dulia Sultan ang Brgy. Kabasalan upang
magsagawa ng clearing operation.
Sa panayam kay 7th IB Commanding
Officer Col. Orlando Edralin na isinagawa nila ang clearing operation kasama
ang EOD team ng military at K9 units upang tiyaking walang naiwang pampasabog
sa lugar para ligtas na makabalik ang mga residenteng nagsilikas.
Samantala, nilinaw naman MILF spokesperson Jabib
Guiabar na nagkaroon ng koordinasyon ang sundalo at MILF bago pumasok sa lugar
pero walang joint operation ang military at MILF ng isagawa nila ang opensiba
laban sa BIFF, layon upang maibalik sa normal ang sitwasyon sa hangganan ng
Pikit, North Cotabato at Pagalungan, Maguindanao.
Tiniyak naman ni OIC Mayor Sultan na
posibleng ngayong araw ay makakabalik na ang bakwit sa kanilang brgy.
partikular na sa Kabasalan.
Una na ring, isinailalaim ang bayan ng Pikit
sa State of Calamity ayon sa LGU. Rhoderick
Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento