(Pikit, Cotabato/ February 26, 2015) ---Bagama’t
humupa na ang tensiyon sa ilang barangay ng Pikit , North Cotabato ang ilang
mga residente naman partikular sa Brgy. Kabasalan ay wala ng mababalikang
tirahan, ito makaraang sunugin ng mga armadong grupo.
Kaugnay nito, magpapalabas naman ng tulong
ang LGU Pikit sa mga residenteng naapektuhan matapos na isinailalim ang bayan
sa state of Calamity.
Sa panayam ng DXVL News, sinabi naman ni Municipal Disaster Risk
Reduction Management Head Tahira Kalantongan na nasa 40 posiento pa ng mga
bakwit ang nakatira ngayon sa mga evacuation center.
Kinumpirma naman ni Kalantongan na ilang mga
kabahayan ang nasunog kabilang na 19 na mga tahanan sa brgy.Kabasalan,12 na
tahanan sa Sitio Butilen at 5 naman mula sa Brgy.Barongis.
Base sa recod ng Pikit MDRRMO tinatayang di
baba sa labing limang libong indibidwal ang naapektuhan sa halos dalawang
linggong kaguluhan.
Maliban sa mga sunog na tahanan kinumpirma
din ng MDRRMC ang pagkakadiskubre sa mga nailibing na mga bangkay sa branggay
Kabasalan.
Kaugnay nito, nag paabot naman ng kanyang
panawagan sa pamamagitan ng DXVL si MDRRMC Head Kalantongan sa mga naglalabang
grupo na tuldukan na ang hidwaan. Rhoderick
Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento