Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

BNS, BHW, Day Care Workers, Tanod at BPAT, ng bayan ng Kabacan, nakatanggap ng biyaya mula Provincial Government of Cotabato

(Kabacan, North Cotabato/ February 23, 2015) ---Dinagsa ng BNS, BHW, Day Care Workers, Brgy. Tanod at BPAT, mula sa ibat-ibang barangay mula sa bayan ng Kabacan ang municipal gym ng bayan, matapos na namigay ng bonus ang Provincial Government of Cotabato noong biyernes.

Ayon kay Kabacan Hon. Vice Mayor Myra Dulay Bade sa naging panayam ng DXVL,
nakatanggap ng tigitigisang libung bonus ang nasabing mga manggagawa na ipnagkaloob mula sa Provincial Government of Cotabato sa pangunguna ni Gov. Lala Taliño Mendoza.

Anya, ang pagiging isang BNS, BHW, Day Care Worker, Brgy. Tanod at BPAT ay isang mahirap na tungkulin na ginagampanan ng mga ito at napakalaking tulong umano ng mga ito sa bayan ng Kabacan lalong lalo na sa pagpapanatili sa kaayusan, sa larangan ng edukasyon, sa kalusugan at pagkamit ng kaunlaran sa ating bayan at naraapat lamang na makatanggap ang mga ito ng nasabing biyaya. Mark Anthony Pispis DXVL News.



0 comments:

Mag-post ng isang Komento