(Pikit, Cotabato/ February 23, 2015) ---Bagama’t
humupa na nag tensiyon at naitaboy na ng mga sundalo ang pangkat ng Bangsamoro
Islamic Freedom Fighters sa ilang brgy. sa bayan ng Pikit, patuloy pa rin ang
ginagawang negosasyon ng pamahalaang lokal ng Pikit sa pagitan ng Bangsamoro
Islamic Freedom Fighters o BIFF at Moro Islamic Liberation Front o MILF upang
mapaki-usapan na iwasan na lang ang kaguluhan para di na madamay ang mga
sibilyan.
Ito ang inihayag ni PI Sindato Karim hepe ng
Pikit PNP sa panayam ng DXVL news.
Pinabulaanan din ni PI Karim ang report na
may mga estudyante na nire-recruit para umanib sa mga armadong grupo.
Ito matapos na kumunti ang mga estudyante ng
Pikit National High School na pumasok sa eskwela noong kasagsagan ng giriaan sa
lugar.
Patuloy din umano ang ginagawang nilang patrolya,
police intelligence at foot patrol upang maiwasan ang masasamang balak ng mga
nais maghasik ng kaguluhan sa bayan ng Pikit.
Nanawagan din si Karim sa mga mamamayan ng
Pikit lalo na sa mga biktima na mag ingat palagi at nanawagan din siya sa mga sangkot
sa hidwaan ng MILF at BIFF na iwasan na lamang upang di na madamay ang mga
sibilyan na naninirahan sa mga barangay. Christine
Limos
0 comments:
Mag-post ng isang Komento