(Matalam, North Cotabato/ February 23, 2015)
---Patay on the spot ang isang 42-anyos na magsasaka makaraang paulanan ng bala
sa bahagi ng Purok 3, brgy. Estado, Matalam, Cotabato alas 6:30 kagabi.
Sa report ni SPO4 Froilan Gravidez ng
Matalam PNP kinilala nito ang biktima na si Reynaldo Villega Alquiza, 42-anyos,
may asawa at residente ng Purok 2 ng nasabing lugar.
Batay sa ulat, kasama ni Alquiza si Antonio
Oñate na residente din ng nasabing brgy. habang papunta ang mga ito sa maisan
ni Kgrd. Blando par asana mag-spray ng pagbabarilin ng dalawang di pa
nakilalang mga suspek gamit ang matataas na uri ng armas.
Ang biktima nagtamo ng iba’t-ibang tama ng
bala sa iba’t-ibang parte ng kanyang katawan na naging dahilan ng agaran nitong
kamatayan habang nagawa namang makatakas ng isa pang kasama nito na nakaligtas
sa pamamaril.
Patuloy pa ngayon ang ginagawang
imbestigasyon ng Matalam PNP kaugnay sa nasabing isidente. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento