Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

North Cotabato PNP, naka Full alert status pa rin

(Kabacan, North Cotabato/ February 23, 2015) ---Naka full alert pa rin ang mga kapulisan ng North Cotabato dahil sa nangyayaring kaguluhan sa lalawigan.

Ito ang inihayag ni P/SSupt. Danilo Peralta Provincial Director ng Cotabato PNP sa panayam ng DXVL news.

Aniya, mula pa noong November 1 noong Undas ay naka full alert na sila at tuloy tuloy hanggang Disyembre sa simbang gabi at sa kasalukuyan.

Dahil dito, walang bakasyon ang mga kapulisan at ang pinapayagan lang umanong magbakasyon ay ang maternity at sick leave. 

Patuloy din ang kanilang pagpapa iral ng safety measures para maproteksyunan ang mga Cotabateño.

Dagdag pa ng opisyal na naka handa ang buong kapulisan ng North Cotabato dahil sa mga sunod sunod na banta ng terorismo at nasa maayos naman sa kasalukuyan ang kalagayan ng buong  probinsya ng North Cotabato.

Samantala, inihayag din ni Peralta na isa sa teorya nila na ang dalawang namatay na bomb carrier sa Pikit ay posibleng tauhan ni Marwan dahil malaki umano ang pagkakatugma ng larawan ng mga namatay sa composite picture ng bomber sa Mlang noong November 23 at sa bomb carrier sa public market ng Kabacan.

Kung titingnan din umano ang signature ng bomba sa Mlang, Kabacan at Pikit ay pare pareho umano na cellphone detonated. Ito umano ang isa sa trademark ng paggawa ni Marwan ng bomba na itinuro sa kanyang mga estudyante.

Pinabulaanan din ni PD Peralta ang pronouncement ni Abu Misri Mama spokesperson ng  Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF na may kinalaman si Cotabato Gov.Lala Taliño Mendoza sa hidwaan ng BIFF at MILF.

Aniya, wala umano itong katotohanan at maging sila na kapulisan ng North Cotabato ay hindi nakikisawsaw o nakikisali sa kaguluhan. 

Lumalabas umano sa imbestigasyon na ito ay personal na alitan ni Kumander Jack Abas ng MILF at Kagi Karialan ng BIFF ang nangyaring kaguluhan sa boundary ng Pikit, North Cotabato at Pagalungan, Maguindanao.


Nanawagan din si P/SSupt Danilo Peralta sa mga mamamayan na kung may mga di kanais nais o suspetsado at pag tuunan ng pansin ang mga abandonadong bagay ay isumbong at ipagbigay alam kaagad sa kapulisan upang matugunan kaagad at mapigilan ang paghasik ng lagim. Christine Limos

0 comments:

Mag-post ng isang Komento