(North Cotabato/ February
25, 2015) ---Nasamsam ng mga otoridad ang malaking halaga ng shabu sa isinagawnag
operasyon ng kapulisan sa isang bahay sa Purok Malipayon, Barangay Ambalgan,
Sto. Niño, South Cotabato alas-10:30 kaninang umaga.
Ayon sa ulat ng pulisya, abot sa P25M ang halaga ng
nasabing shabu.
Sinabi ng Sto. Niño PNP na nagsagawa sila ng operasyon
sa pamamahay ng mag-asawang Johny at Fatima Mantawil sa pamamagitan ng search
warrant na inilabas ni Hon. Marlo C. Brasales, MCTC Presiding Judge, Norala,
Sto. Niño at T’boli.
Nakumpiska ng mga ito ang siyam na jumbo pack at limang
big pack at tatlong medium pack ng pinaniniwalaang shabu at isang kalibre 45 na
baril na may anim na bala.
Ayon kay Fuerte, nasa P25-M ang estimated market value
ng nasabing shabu na umaabot sa 2.5 kilos.
Sa ngayon patuloy namang pinaghahanap ng pulisya ang
mag-asawa na nakatakas makaraang matunugan ang gagawing operasyon ng PNP sa
kanilang bahay. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento