(North Cotabato/ February 25, 2015) ---Hindi ibinaba ng militar
ang kanilang antas ng seguridad na mga lugar na sakop ng 6th infantry Division,
Philippine Army.
Ito matapos na makasagupa ng 1st Mechanized Brigade ang grupo ng Bangsamoro Islamic Freedon
Figthers o BIFF sa Brgy Mapayag Datu Angal
Midtimbang, Maguindanao noong linggo.
Ayon sa ulat, nagsagawa ng security patrol ang 1st
Mechanized Brigade sa nabanggit na lugar nang bigla umano itong pinaputukan ng
mga BIFF.
Nabatid na umabot rin sa mahigit 20 minutong palitan ng
putok ang dalawang grupo.
Wala namang may naiulat na nasaktan o nasawi sa nasabing
bakbakan. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento