(Pikit, North Cotabato/ February 24, 2015)
---Nag suspende ng klase ang ilang mga paaralan sa mga baranggay sa bayan ng
Pikit na apektado ng kaguluhan sa pagitan ng Moro Islamic Liberation Front o
MILF at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF.
Ito ang inihayag ni
Cotabato Schools Division Superintendent Omar Obas sa panayam ng DXVL news.
Inihayag din niya na abot humigit kumulang
dalawang libo at limang daang estudyante ang apektado ng kaguluhan mula sa
dalawang secondary schools at anim na paaralang elementarya.
Dagdag pa niya na ang mga estudyante ay
kasalukuyang nasa mga evacuation center at ang mga guro partikular na sa Pikit
West at Pikit South district ay patuloy na pumupunta sa mga evacuation center
upang bigyan ang mga estudyante na nabiktima ng kaguluhan ng social at
psychosocial therapy tulad ng paunang lunas, feeding program, play therapy at
iba pang intervention upang di masyadong maapektuhan ang kanilang pagkatao at
pag aaral.
Ang naturang hakbang ay alinsunod din umano sa patnubay ni Cotabato
Gov.Lala Taliño Mendoza na mabigyan ng edukasyon ang mga kabataan kahit na nasa
evacuation center.
Samantala, pinabulaanan naman ni Obas ang
report na may mga estudyanteng di pumapasok sa eskwelahan dahil umanib sa
rebeldeng grupo. Aniya, wala silang natatanggap na report.
Kapag may mga
kaguluhan umano ay talagang bumababa ang attendance sa mga paaralan dahil di pinapapasok ng mga magulang ang mga
anak para sa seguridad ng mga ito.
Nagbigay din si Obas ng payo sa mga guro
lalong lalo na sa mga guro na nagtuturo sa mga paaralan na apektado ng
kaguluhan na patuloy pa ring puntahan ang mga estudyante kahit na nasa
evacuation center upang maramdaman ng mga ito ang pagkalinga at patuloy na
pagbibigay ng serbisyo. Naki usap din siya sa mga estudyante at mga magulang na
makipagtulungan sa mga guro. Christine
Limos
0 comments:
Mag-post ng isang Komento