Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Responsable sa pagsunog ng bahay ni Marwan, hindi pa tukoy sa kasalukuyan

by: Christine Limos 

(Kabacan, North Cotabato/ February 26, 2015) ---Hindi pa tukoy hanggang sa kasalukuyan ang armadong grupo na responsable sa pagsunog ng bahay ni Malaysian National at International Terrorist Zulkifli Binhir alyas Marwan sa Brgy. Timbalakan Mamasapano, Maguinadanao.

Ito ang inihayag ni PSI Reggei Albellera ang hepe ng Mamasapano PNP sa panayam ng DXVL News. 

Aniya isolated ang lugar at wala masyadong tao at hindi alam kung anong materyales ang ginamit sa pagsunog.


Di rin daw tiyak ang motibo sa pagsunog sa 3 bahay at isa pangpurok na nagsilbi umanong tambayan ni Marwan at isang maliit na Mosque lang umano ang di nasali sa pagsunog, giit pa ni Albellera.

Dagdag pa ng opisyal na may ulat na marami umanong asawa si Marwan ngunit wala itong asawa na naiwan sa Mamasapano at di pa alam kung may mga asawa pa siya sa ibang bayan.

Wala na rin daw umanong presensiya ng armadong grupo sa lugar maliban sa task force ng MILF na nagbabantay sa paligid upang hindi sila mapasok ng ibang mga elemento.

Dagdag pa ng opisyal na unti-unti  na ring bumabalik sa kani-kanilang bahay ang mga residente at halos balik na sa normal ang sitwasyon maliban na lamang sa imbestigasyon na ginagawa ng Board of Inquiry (BOI) na galing sa Manila.

Ipinaliwanag din sa mga residente ang ginagawa ng BOI sa lugar ng pinangyarihan ng bakbakan, ito upang di na matakot ang mga residente at mabigla dahil sa trauma na kanilang dinaranas dahil sa pangyayari. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento