Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Isa sa malayong Brgy. ng Kabacan, mabibigyan ng libreng Solar Panels mula sa DoE

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ February 26, 2015) --- Mabiyayaan ng pailaw ang Brgy. Tamped sa bayan ng Kabacan matapos na mabibigyan ang mga ito ng 291 Solar Panels na libreng ilalagay sa nasabing lugar buhat sa Department of Energy.

Ayon kay USM-Affiliated Renewable Energy Center Technical Division Head Engr. Arnulfo Ocreto sa panayam ng DXVL News na anumang araw simula ngayon ay kanila ng ilalagay ang nasabing kagamitan sa Brgy. Tamped.


Paliwanag ni Engr. Ocreto na kanila na lamang hinihintay ang mga technicians na maglalagay ng solar panels.

Aniya, kabilang sa mga ipapamahaging solar panels ang 3 watt na Light Igniting Diode o LED, isang 1 watt LED na ilaw na pwedeng pailawin magdamagan na maganda para sa mga bata o residente na hindi makatulog na walang ilaw, isang yunit ng radio na may AM-FM at charging outlet para sa mga cellphones at iba pang mga kagamitan.

Dagdag pa ng opisyal, napakalaking tulong umano nito sa mga residente ng Brgy. Tamped sapagkat di umano ito naaabot ng serbisyo ng Cotelco.

Maliban dito, mahirap din kasi ang transportasyon sa nasabing Barangay.

Una na ring tinungo ng grupo ng AREC ang Brgy. Tamped upang isagawa ang social preparation o ang pagbibigay impormasiyon sa mga residente.

Sa hiwalay na panayam ng DXVL News kay LGU Kabacan Administrator Ben Guzman, ang nasabing proyekto ay naisakatuparan dahil sa pakikipagtulungan ng Department o Energy (DoE), Local Government Unit of Kabacan sa pangunguna ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr., at ng USM-AREC sa deriktiba ni USM Pres. Dr. Francisco Gil Garcia. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento