Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Serbisyo ng RHU Kabacan, pinalalakas pa

(Kabacan, North Cotabato/ February 24, 2015) ---Sa inaprobahang proposal ni Mayor Herlo P. Guzman, Jr na isinumite ni Municipal Health Officer, Dr. Sofronio T. Edu, Jr. iba’t-ibang mga health instruments, equipment, furniture at fixtures gaya ng 1 unit air-condition, refrigerator, weighing scale, examining table with stirrups at maraming iba para sa pagpapagana sa katatayo lamang na Barangay Poblacion Health Center.

Ang layunin ng nasabing proyekto ay upang magkaroon ng mas epektibo at karampatang serbisyong maihahatid sa mga mamamayan at ang pagpapalakas at pagpapatibay pa sa Local Health System sa bayan ng Kabacan.


Sa ipinadalang liham ni Barangay Captain Dominador Remulta ang Punong Barangay ng Poblacion, kay Mayor Guzman, nakatakdang buksan at gawing functional ang nasabing Health Center sa mga susunod na buwan kaya naman kinakailangan nitong maisaayos na ang nasabing Health Center.

Maliban sa mga nasabing equipment at iba pang kagamitang makatutugon sa pangangailangang pangkalusugan, inaprobahan na rin ni Mayor Guzman ang pagtatalaga at pagdedetalye ng isang Midwife sa nasabing center upang mas mapapabilis pa ang mga serbisyong ibibigay.

Ang Barangay Poblacion Health Center ay magbibigay ng ibat-ibang Public Health services gaya ng, Hypertension screening, maternal health care, family planning counseling and services, Child health and Nutrition, Acute Care Service at massive Health Education, information and communication services.

Ayon pa kay Mayor Guzman, isa umano itong napakalaking tulong hindi lamang sa mga mamamayan ng Kabacan kundi sa Lokal na Pamahalaan ng Kabacan sa pagbibigay at pagtataguyod ng libreng serbisyong pangkalugsugan sa mamamayan ng Kabacan. Sarah Jane Guerrero


0 comments:

Mag-post ng isang Komento