(North Cotabato/ February 23, 2015) ---Maagang
sinalubong ni kamatayan ang dalawang sundalo habang ng 11 ang sugatan ng
magkaroon ng roadside bombing sa Kampo 5, Barangay Danlag, Tampakan, South
Cotabato ala-1:30 kahapon ng hapon.
Batay sa ulat, sumabog ang improvised
explosive device (IED) ng dumaan ang sinasakyan ng mga sundalo sa lugar, maaring
natabunan lamang ang naturang IED na itina-on ang pagsabog ng dumaan ang
sasakyan ng militar.
Kinilala ang mga namatay na mga sundalo na
sina Private First Class (PFC) Arnel Inonaria at Corporal Mark Casipe na kapwa
mga miyembro ng 27th Infanrtry Battalion sang Philippine Army.
Kinilala naman ang mga sugatan na sina
Corporal Allan Mohamad, Corporal Fredie Bacho, Corporal Alu Lacrupay, Corporal
David Marcena, Corporal Rebel, Corporal Adjmar Jopakra, Corporal Boy Sapdula,
Private First Class Kayama, Private Firts Class Macas, Private First Class
Reymart Sobrepeña at Private First Class Louie Begaro.
Napag-alaman na kinuha ngmga rumesponding mga
sundalo ang bangkay ng CAFGU na si Mark Lozaga na namatay sa panghaharass ng
diumano'y grupo ng New People's Army (NPA) sa detachment noong Sabado ng gabi.
Subalit sa kanilang pagbalik upang alamin ang
mga kailangan ng mga nakatalaga sa hinarass na detachment, doon na't sumabog
ang IED.
Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang clearing
operation sa lugar habang ginagamot naman sa iba't-ibang ospital sa Koronadal
City at General Santos City ang mga sugatang sundalo. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento