(Kabacan, North Cotabato/ February 20, 2015)
---Pinabulaanan ng Bangsamoro Islamic Freedom Movement o BIFM na nahahatai sa
sa tatlo ang kanilang grupo.
Ito ang sinabi sa DXVL News ni BIFM
Spokesperson Abu Mismri Mama bagkus ay mas dumami pa daw ang kanilang grupo.
Ipinaliwanag ni Mama na ang BIFM ay ang
kanilang tinatawag na gobyerno at ang BIFF naman o Bangsamoro Islamic Freedom
Fighters ay ang kanilang armed Group o militar.
Ang BIFM, ayon kay Mama ay pinamumunuan pa
rin ng kanilang Chief of Staff na si Ustadz Ameril Umbra Kato.
Itinanggi naman ni Mama na may mga
nagsusuportang pulitiko o organisayon sa kanilang kilusan.
Samantala, kinumpirma naman ni Mama
nakanilang pinatalsik si Ustadz Muhammad Ali Tambako kungsaan bumuo ito ng
kanyang sariling samahan at dala nito ang kanyang mga tagasunod.
Bagaman sinasabing buo pa rin ang BIFF ,
inamin ni Mama na matagal ng tumiwalag sa kanilang samahan si Kumander Tambako.
Si Kumander Tambako ay sinasabing isa mga
naka engkwentro ng PNP SAF sa brgy Tukanalipao Mamasapano noong January 25.
Sinabi ni Mama na humiwalay sila sa MILF
hindi dahil sa Bangsamoro Basic Law o BBL kundi ayaw nilang sumunod sa
konstitusyon o pang gobyerno ng Pilipinas bagkus iginiit nila na ang Qur-an
lamang ang kanilang susundin. Rhoderick
Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento