Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Isang pamilya sa bayan ng Matalam, pinaulan ng bala, maswerteng nakaligtas

(Matalam, North Cotabato/ February 19, 2015) ---Maswerteng nakaligtas ang isang pamilya sa nangyaring pamamaril sa Purok 6, Brgy. Kilada, Matalam Cotabato dakong alas 8:00 ng umaga kamakalawa.

Kinilala ni SPO4 Froilan Gravidez ng Matalam PNP ang mga biktima na sina Alex Empal, 41 anyos, magsasaka at ang padre de pamilya, Norei empal 42 anyos ang ina, at ang kanilang mga anak na sina Jason Empal, 9 anyos Jeoffrey Empal 14 anyos na pawang mga estudyante ng Annex Kilada Elementary School at dalawa sa kanilang mga manggagawa na sina Pedro
Ahaw, 42 anyos at isang nagngangalang “Nano” na pawang mga residente ng Purok Bgong Silang, Brgy. Kibudoc sa nasabing bayan.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na papunta sa kanilang maisan ang pamilya upang magtanim ng mais ngunit paglagpas ng mga ito sa kanilang tubuhan at pinagbabaril sila ng anim na kalalakihan gamit ang di pa matukoy na matataas na uri na kalibre ng baril.

Maswerte namang walang tinamaan sa mga biktima.

Malaki ang paniniwala ng Matalam PNP na away sa lupa ang isa sa mga motibo ng insidente. Mark Anthony Pispis



0 comments:

Mag-post ng isang Komento