(Kabacan, North Cotabato/ February 18, 2015)
---Patuloy pa rin na nakakaranas ng mahabang oras na pagkawala ng serbisyo ng
kuryente ang ilang konsumedures ng Cotabato electric Cooperative o Cotelco.
Ito ang kinumpirma mismo sa DXVL News Radyo
ng Bayan ni Cotelco Spokesperson Vincent Baguio dahil ipinapatupad nila ang
load curtailment sa service area ng Cotelco.
Pangunahing dahilan umano ng load
curtailment ay ang pag conduct ng preventive maintenance ng TMI sa Maco, Compostela
valley dahilan upang lumiit ang supply ng kuryente.
Sinabi ni Baguio na mahihirapan umanong
makapag schedule ng eksaktong oras ng load curtailment dahil ito ay naka
depende sa operator ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP at
paiba iba rin umano ang schedule ng isang oras na rotation advisory ng NGCP.
Inaasahan din na papasok ang commercial
operation ng Therma South Incorporated o TSI sa susunod na buwan ng Marso at
maiiwasan ang mataas taas na curtailment at kung sakaling magkakaroon ng brown
out ay maaaring dahilan ng problema sa linya ng kuryente.
Samantala, inihayag din ni Baguio na
operational na ang Bagontapay substation at hindi na low voltage ang mga lugar
partikular na sa bayan ng Mlang at Tulunan.
Dagdag pa niya, hinihintay na lang
ang clearance at pagdating NGCP upang ma check ang system ng Manubuan
substation.
Magkakaroon din umano ng adjustment sa
singil ng kuryente sa pag operate ng TSI.
Ang inaprove umano ng Energy
Regulatory Commission sa TSI at COTELCO ay 5 pesos at 33 centavos per kilowatt
hour at kung magkakaroon umano ng pagbabago sa rate ay centavos lamang ang
idadagdag nito.
Ipinaliwanag din ng tagapagsalita ng Cotelco
na ang biglaang fluctuation ng kuryente ay dahilan umano sa mga ginagawang
adjustment sa bayan ng Kabacan, Carmen at Banisilan at ang pagkasunog ng
equipment sa substation dahil sa biglaang paglaki ng demand ng kuryente sa
bayan.
Siniguro din niya na inaasikaso ng COTELCO
ang mga problema sa kuryente upang makapagbigay ng maayos na serbisyo sa mga
kunsumidores ng COTELCO.
Kanina, muli na namang nakaranas ng mahabang
power interruption ang mga taga-Kabacan at Carmen dahil sa kinukumpuni nila ang
substation sa Kabacan. Rhoderick Beñez
and Christine Limos
0 comments:
Mag-post ng isang Komento