Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Lalaking nag-amok, huli sa pagdadala ng illegal na droga sa Libungan, Ncot

(Libungan, North Cotabato/ February 18, 2015) ---Kalaboso ngayon at naghihimas ng malamig na rehas na bakal ang isang lalaki matapos itong mag amok at mahulihan ng illegal na droga sa Brgy. Abaga, Libungan, Cotabato alas 12:30 ng tanghali kamakalawa.

Kinilala ni PSI Jojet Nicolas ang hepe ng Libungan PNP ang suspek na isang Muhamad Pananggalan, 38 anyos, may asawa, walang trabaho at residente ng Brgy. Barongis sa nasabing bayan.

Sa inisyal na imbestigasyon, sinusubukan umanong icontact ng dalawang lalaki na sina Relito Camral at isang Sammy Novales ang suspek upang kausapin tungkol sa hiniram nitong motor sa kanila noon pang Disyembre ng nakaraang taon na hindi pa nito nasasauli.

Ngunit ng makita nila ang suspek sa bahay ng isang Mary Rose Cadungog ay nagtaka na lamang sila at agad silang hinabol nito dala ang isang bolo at palno silang pagtatagain.

Walang nagawa ang dalawa kundi lumaban at nang matalo nila ito ay agad nilang itinali at inireport sa mga Brgy. Officials.

Agad din namang itinurn-over ang suspek sa Libungan PNP na nang pasa at nang tiningnan at nang ininspeksiyon ito at nakuha sa kanya ang isang sachet ng pinaniniwalaang shabu at isang drug paraphernalia na mas kilala sa tawag na tooter.


Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Libungan MPS ang suspek habang inihahanda naman ang kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Mark Anthony Pispis

0 comments:

Mag-post ng isang Komento