(Pikit, North Cotabato/ February 19, 2015)
---Pinabulaanan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council o
MDRRMC Pikit ang ulat na umabot na sa labinlimang libo ang mga bakwit sa bayan
ng Pikit, North Cotabato.
Sa panayam ng DXVL news inihayag ni MDRRMC
Pikit head Tahira Kalantungan na katuwang nila ng Municipal Social Welfare and
Development Office ng Pikit ang nakaka alam ng aktwal na datos at bilang ng mga
bakwit.
Aniya, ang datos ay umabot sa 10,664 na indibidwal.
Sa kabuuan, umaabot na sa 1,982 na pamilya
na ang apektado.
Sa kasalukuyan nanunuluyan ang mga evacuees
sa evacuation center sa Mahad Fort Pikit, training center sa brgy Poblacion, sa
Madrasa ng Gli gli, Batulawan, Fort Pikit, covered court ng Paaralan sa brgy
Inug-og, productivity center ng Inuo-og at ang iba ay nasa housed based lang na
malapit din sa evacuation center.
Inihayag din ni Kalantungan na nakapag bigay
ng tulong ang pamahalaang probinsya ng North Cotabato sa limandaang pamilya at
ang LGU Pikit naman ay halos 80 percent na sa pagbibigay ng tulong at relief sa
mga apektadong pamilya. Christine Limos
0 comments:
Mag-post ng isang Komento