(Kabacan, North Cotabato/ February 15, 2015)
---Patuloy na pinag- aaralan ngayon ng pamunuan ng 7th IB ang plano nilang
paglilipat ng batalyon sa Barangay Lower Paatan, Kabacan, Cotabato.
Ito ayon sa pahayag ni Battalion Commander
Lt. Col. Orlando Edralin ng 7th IB sa panayam ng DXVL News kasabay ng isinagawang presscon na ipinatawag ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr., kamakailan.
Aniya ay patuloy pa nilang konsidera ang
iba’t ibang factors gaya ng kasalukuyang sitwasyon, accessibility, command and
control sa Area of Responsibility o AOR na nasasakupan ng Batalyon.
Dagdag pa ng commander na masyadong malawak
ang AOR ng 7th IB dahil nasasakupan nito ang pitong munisipalidad at ang bayan
ng Kabacan naman ang gagawing sentro ng batalyon.
Hindi naman nagbigay ng detalye si Commander
Edralin patungkol sa dami ng BIFF sa halip ay sinabi nitong tumatawid lamang
umano ang naturang grupo sa ilog ng Sultan Sabarungis patungong Barangay
Kabasalan.
Samantala, inihayag naman ni Lt. Col.
Edralin na maliban sa BIFF ay marami pa umanong lumalabas na armed lowless
groups na banta sa kapayapaan sa kanilang AOR.
Giit naman ng Commander na lagi namang
nakaantabay ang lead agencies lalo na ang Armed Forces of the Philippines at
ang PNP upang masiguro ang peace and order sa kanilang nasasakupan.
Nagbigay naman ng pahayag si Commander Edralin
patungkol sa balitang ang ilan pang mga estudyande ni Marwan ay nasa Bayan ng
Carmen at Pikit.
Aniya, ito umano ay batay sa mga
intelligence report at kailangan pang sumailalim sa imbestigasyon. Subalit
idinagdag naman nito na dahil umano sa nangyari kamakailan na pambobomba sa
Pikit kung saan ikinamatay ng dalawang bomber ay hindi umano malayo na mayroon
pang ibang nagpaplanong magsagawa ng pambobomba sa North Cotabato.
Samantala, hindi naman niya tiniyak kung
anu- ano ang mga armed lowless group sa Bayan ng Kabacan ngunit pangunahing
responsibilidad umano ng PNP ang pagsasagawa ng Law Enforcement.
Tiniyak naman nito na nakahandang sumuporta
ang 7th IB upang mapanatili ang kapayapaan at seguridad sa lahat ng komunidad
na nasasakupan ng 7th IB AOR. Rhoderick
Beñez and Christine Limos
0 comments:
Mag-post ng isang Komento