(Kabacan, North Cotabato/ February 19, 2015)
---Muling nakaranas ng mahabang brown out na umabot ng mahigit tatlong oras
kahapon ang bayan ng Kabacan, Matalam, Carmen at Banisilan dahil sa isinagawang
power shutdown ng Cotabato Electric Cooperative o Cotelco dahil sa isinagawang
pag-energize ng power transformer sa Manubuan substation at pag-check ng linya
ng kuryente ng National Grid Corporation o NGCP.
Ito ang inihayag ni COTELCO spokesperson
Vincent Baguio sa panayam ng DXVL news.
Samantala inihayag din ni Baguio na simula
ngayong araw ay makakaranas ng isa o mahigit isang oras na brown out ang sakop
ng service area nila dahil sa pagkakaroon ng preventive maintenance ng isa pang
generation plant at inaasahang magtatapos pa sa buwan ng Marso.
Ang mga
naturang maintenance umano ay nakabatay sa taunang preventive maintenance na
ginagawa ng Corporation.
Dagdag pa niya simula sa February 21 ay 210
megawatts ang mawawala sa sinu-supply ng
STEAG sa Grid at bababa ang supply ng kuryente.
Pero hinahanapan naman nila ng paraan ngayon
kung maaari silang makapag-re-market sa hinihintay na commercialization ng
Therma South Incorporated o TSI.
Ipinaliwanag din ni COTELCO spokesperson
Vincent Baguio na kadalasang nagkakaroon ng brown out sa buong service area ng
COTELCO bandang alas singko hanggang alas nuebe ng gabi dahil sa mga oras na
ito ang peak load. Ang demand umano ay napaka taas at ang supply ay mababa kaya
binabawasan ang load ng kuryente.
Inaasahan din na papasok ang
commercial operation ng TSI sa susunod na buwan ng Marso at maiiwasan ang
mataas taas na curtailment at kung sakaling magkakaroon ng brown out ay
maaaring dahilan ng problema sa linya ng kuryente.
VC:
Vincent Baguio 5
Magkakaroon din umano ng adjustment
sa singil ng kuryente sa pag operate ng TSI. Ang inaprubahan ng Energy
Regulatory Commission sa TSI at COTELCO ay 5 pesos at 33 centavos per kilowatt
hour at kung magkakaroon umano ng pagbabago sa rate ay centavos lamang ang
idadagdag nito. Christine Limos
0 comments:
Mag-post ng isang Komento