(Kabacan, North Cotabato/ February 17, 2015)
---Kamatayan ang sumalubong sa isang kasapi ng Citizens Armed Forces
Geographical Unit o CAFGU at isang babae na kinakasama nito makaraang
pabulagtain ng riding tandem sa bisinidad ng Mantawil Extension, Brgy.
Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 7:00 kagabi.
Kinilala ni PCI Ernor Melgarejo ang
hepe ng Kabacan PNP ang mga biktima na sina Rey Dacula, residente ng Brgy.
Nangaan, Kabacan at Daisy Guerrero, residente ng Bonifacio St., Poblacion ng bayang
ito.
Sa inisyal na imbestigasyon ng
Kabacan PNP, nakasakay umano sa isang motorsiklo ang mga biktima at pagsapit sa
nasabing lugar ay pinagbabaril ang mga ito ng mga di pa nakikilalang suspek.
Nagtamo ng iba’t-ibang tama ng bala
sa iba’t-ibang bahagi ng kanilangkatawan ang mga biktima dahilan sa agaran
nitong kamatayan.
Narekober sa crime scene ang mga
basyo ng kalibre 45 na pistola na pinaniniwalaang ito rin ang uri ng baril na
ginamit ng suspek.
Agad tumakas sa di pa matukoy na
direksiyon ang suspek matapos maisakatuparan ang masamang balakin.
Sa ngayon ay patuloy pang inaalam ng
Kabacan PNP ang pagkakakilanlan ng mga biktima.
Nagpapatuloy naman ang ginagawang
imbestigasyon ng Kabacan PNP sa nasabing insidente upang alamin ang totoong
motibo sa insidente.
Samantala sa iba pang mga balita,
abot sa 15 mga kabahayan ang sinunog ng mga pangkat ng Bangsamoro Islamic Freedom
Fighters o BIFF na pinamumunuan ni Gani Saligan na gawa sa mga light materials
o tinatawag na Nipa hut sa bahagi ng Brgy. Barungis, Pikit, Cotabato kagabi.
Ang nasabing brgy, ayon sa report ay
isang MNLF community.
Una na ring nagsilikas ang abot sa
mahigit sa 9 na libung mga residente buhat sa anim na brgy. ng bayan ng Pikit
dahil sa takot na madamay sa girian ng grupo ng Moro Islamic Liberation Front o
MILF at ng BIFF.
Pansamantalang nasa Poblacion, Pikit
at Pagalungan ang mga bakwit na patuloy na binigyan ng ayuda ng Pamahalaang
Lokal ng Bayan, ayon naman kay MDRRMC Head Tahira Kalantongan ng LGU Pikit. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento