(Kabacan, North Cotabato/ February 18, 2015)
---Matapos ang ilang araw na pagbabantay at pag-oobserba sa Davao Medical
Center o DMC sa isang Pinay Nurse na taga-North Cotabato, nag negatibo na ito
sa sakit na Middle East Respiratory Syndrome Coronavirus o MERS-CoV.
Ito ang inihayag sa DXVL News Radyo ng Bayan ni Disease Surveillance
Coordinator Honey Joy Cabellon.
Batay sa ulat, una kasing nakitaan ng ilang
sintomas ng Mers-Cov ang Pinay Nurse na residente ng Kabacan kagaya ng lagnat,
pag-ubo at hirap sa paghinga.
Napag-alaman na humina ang kanyang
resistensiya matapos ang mahabang biyahe maliban pa sa buntis ito at asthmatic,
ayon pa kay Cabellon.
Ang OFW na Pinay Nurse ay galing ng Riyadh
sakay ng Flight 860 at umuwi sa bayan ng Kabacan ngayong buwan.
Pinawi naman ni Cabellon ang pangamba ng
publiko hinggil sa nasabing sakit dahil ang Kabacan at Mers-Cov Free pa rin,
ayon sa ulat. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento