(Pikit, North Cotabato/ February 18, 2015)
---Nais umanong sakupin ng pangkat ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o
BIFF ang komunidad na sakop ng Moro Islamic Liberation Front o MILF sa
hangganan ng Maguindanao at lalawigan ng North Cotabato.
Ito ayon sa panayam ng DXVL News kay PInsp.
Sindato Karim, ang hepe ng Pikit PNP, dahilan ng ilang araw na giriaan sa
nasabing lugar na nagresulta sa pagkakalikas ng mahigit sa sampung libung mga
residente sa bayan ng Pikit.
Sinabi ng opisyal na bago pa man pumasok ang
grupo ng BIFF sa lugar ay naka pwesto na ang armadong lakas ng MILF kaya
nagkaroon ng panaka-nakang putukan sa magkabilang panig.
Dahil sa takot na maipit sa kaguluhan
lumikas ang 9,036 katao batay sa data ni Municipal Disaster Risk Reduction ang
Management Head Tahira Kalantongan sa hiwalay na panayam ng DXVL News kahapon
buhat sa anim na Brgy. ng Pikit.
Sinabi naman ni Karim na patuloy parin ang
tensiyon ng dalawang armadong grupo na BIFF at BIAF ng MILF sa boundary bayan
ng Pagalungan, Maguindanao at Pikit, Cotabato at patuloy pang nadaragdagan ang
bilang ng mga residenteng nagsilikas dahil sa takot.
Anya patuloy parin umano ang putukan sa
lugar na bahagi na ng Maguindanao.
Dagdag pa ng opisyal na problema umano sa
Territorial Conflict ang pinag aawayan ng dalawang armadong grupo. Gusto
umanong sakupin ng BIFF ang lugar na kung saan ay teritoryo ng MILF.
Puspusan naman umano ang paggawa ng kanilang
pamunuan upang maresolba ang nasabing gulo sa pakikipagtulungan ng LGU ng
PIKIT.
Tiniyak naman ni Karim na ligtas ang mga
Biyaherong dumadaan sa National Highway na sakop ng bayan ng Pikit. Mark Anthoy Pispis
0 comments:
Mag-post ng isang Komento