Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Reward Money re: sa makakasumbong ng maghahasik ng terorismo sa Kabacan, tinaasan!

(Kabacan, North Cotabato/ February 15, 2015) ---Tinaasan ni Kabacan Mayor Herlo Guzman J rang reward Money para sa kung sino ang makakita at makahuli sa mga masasamang loob na posibleng magtatanim ng mga Improvised Explosive Device o IED sa bayan ng Kabacan.


Ito ang naging pahayag ng alkalde sa ipinatawag nitong Press Conference patungkol sa Peace and Order Security sa bayan na ginanap sa USM Hostel noong Pebrero a-12.


Aniya, bibigyan ng tanggapan ng punong ehekutibo sa kung sino man ang makakita sa mga posibleng salarin sa pagtanim ng bomba ay bibigyan ito ng P20,000.00 na reward at sa kung sino man ang makahuli sa suspek ay bibigyan ito ng P50,000.00 at karagdagang P50,000.00 naman galing sa Provincial Government.

Bibigyan rin kung sino ang makakita sa mga suspek na nagdadala ng shabu ng P5,000.00 at sa makahuli sa carnapper ay bibigyan ng P50,000.00.

Dagdag pa ni Mayor Guzman, walang puwang ang mga kriminal sa bayan ng Kabacan. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento